May pa-“Heart-heart” ka na namang comment sa picture niya. Ano po yun ha? Ano yun? Kainis. Ba’t ba ako napadpad sa profile niya?.. ewan ko ba. Ayoko na. Last na yun. Nakakapagod na magselos.
Matatag ako sa lahat.. kaya ko lahat. Nalalampasan ko lahat. kawalan ng time, basta kahit anong pagsubok sa relasyon natin, nakakaya ko except sa isang bagay. ang selos. pag nakaramdam na ko ng selos gumuguho mundo ko, at nagiging weak ako. in a way na gusto kong makipaghiwalay. maramdaman ko na lahat wag lang selos. pota ang weak ko talaga pag dating jan :(
Selos. Bat pa kase nauso? Bat pa kase meron ganito? Hindi sana aabot sa ganito kung walang ganito. Hindi sapat na dahilan yung “Mahal kase kita kaya nagseselos ako.” Edi sana wala nang “iloveyou” kung yan ang batayan na mahal mo talaga ang isang tao diba?.. Tapos sasabihin mong, may tiwala ka ba sakin? Oh bakit ka nagseselos? Bakit ka nagkakaganyan? Anong nangyari sayo? Yun lang nman e. Yun lang nman.
Kahit sabihin mong wala akong dapat ikaselos, hinding hindi ko yun maiiwasan, kahit sabihin mong ako lang at wala ng iba, magseselos at magseselos parin ako. Magseselos ako kahit sa gaanong kababaw na dahilan, pero sana maintindihan mo na nagseselos ako dahil ayaw ko lang na mawala ka sa akin…
Mahal kita, sobra… kaya ako nagseselos. Yun lang yun.
✈I’m so lucky. Oo. Di ako mayaman. Di ako matalino. Di ko sinasabing hindi ako nakakaranas ng problema. Dami nga eh. Pero may mga bagay akong maipagmamalaki kung bakit nasasabi ko ngayong ang suwerte-suwerte ko. :)
1. May mga kaibigan akong nandiyan para suportahan ako. Konti lang sila pero at least totoo.
2. May pamilya akong mahal na mahal ako.
3. Pero mayroon din akong isang tao na hindi ako iniiwan at laging nandiyan. Ikaw yun. (OO, IKAW!!!) Yung laging nandiyan kapag may problema ako. Yung lagi kong nasusungitan pag wala ako sa mood. Yung laging nandyan sa tabi ko kapag lagi akong nanghihina sa mga problema ko. Kilala mo na ako pag naiinis or wala ako sa mood dahil sa mga bagay bagay. Ikaw yung nagpapagaan ng loob ko sa tuwing may mga pasakit akong natatanggap. Ikaw yung manglalambing kapag wala ako sa mood. Tanggap mo pa rin ako kahit ganito lang ako. Ikaw yung walang tiyagang nagbabantay sa akin at nag-aalaga sa akin pag may sakit ako. Salamat po ha? Salamat at lagi kang nandiyan. Salamat at di mo ako pinapabayaan. Salamat kasi minahal mo ako kahit pa sa mga kamalian at kakulangan ko.
Dito ko nasabi na masuwerte ako dahil may mga taong pilit na sinusuportahan ang isang tulad ko at dahil may mga taong naniniwala sa kung anong mayroon ako. At nagpapasalamat ako kasi nakahanap ako ng taong katulad mo. Salamat :D PUSH LANG!!!
Anonymous asked: Sarap tumambay sa page mo.. Ganda ganda ng bgm mo.. May taste ka po sa music. Like!!!!!!
Hah! Thanks Anon :)
✈Hihintayin ko yung araw na magiging akin ka nang talaga. Yung akin ka nalang talaga. Hihintayin ko yung araw na tayong dalawa na talaga yung magsasama habang-buhay. Yung sinasabe nga nilang entrance nalang sa mall ang makapaghihiwalay sa atin. (chos! hahaha) Yung tayong dalawa na yung titira sa iisang bubong. Yung magiging masaya kapag nagkaroon na tayo ng anak. Ang sarap sa pakiramdam lalo na kung puro saya lang yung araw natin no? Ang sarap sa pakiramdam kapag puro harutan, puro tawanan, takbuhan na para bang mga bata lang tayo.. Haha Yung paggising mo sa umaga, ready na ang breakfast. Tapos sobrang galing mo pang magluto. Sabay Good Morning tas may kiss pa. Yun bang masasabi ko na pagmamay-ari na kita. Akin ka lang. Yung legal na sakin ka nang talaga. Yung nakatali ka na sa puso ko. Haha BIG WORD!! Ang saya lang sguro pag natapos na yung mga problema sa relasyon natin no? Tapos tayo pa rin hanggang sa dulo. Saya non! Saya saya! ❤
✈Anonymous asked: hi niknik! :) sino kaya yang papakasalan ka daw? sipain ko yan eeh. i love you!:)
Hi Niccolo ko! :p Di ko nga kilala eh.. Yaan mo na! I love you too! :”>
✈Anonymous asked: pakasal na tayooo
Single si Joyjoy namin dito sa bahay. Bigay ko sayo number niya? Gusto mo? Haha! Or kung gusto mo si Chingching (Pinsan ni joyjoy.. Na mukang hindi) nalang? MAGANDA, SEXY, MAPUTI. Pili ka sa dalawa! Dali! :p
✈- Boy: Pwede mo ba kong bigyan nang chance na ligawan ka?
- *Yun pala GM, gago. Hahahaha.* Laslas na fre!
Anonymous asked: Paano masasabing ayaw mo na sa isang tao?
For me.. Kapag wala ka nang pakialam kahit mawala na sya sa buhay mo. Kapag alam na ng isip mo na wala ka nang nararamdaman pa para sa kanya. Kapag hindi lang yung puso at utak mo ang napapagod kundi pati atay, bituka, buto at kidney. (Hahaha!) Kapag natauhan ka na mali yung desisyon mong pagpili sa kanya. At kapag nakahanap ka na ng ibang taong mas deserving na pagtuunan ng pagmamahal at oras mo. Yun. Basta. :p
✈Minsan kasi may mga naalala tayong mga lagi nating ginagawa dati.. na ngayon, hindi na natin magawa. May mga ugali tayong ganoon dati, pero ngayon wala na. Alam niyo yun? :| Somehow, namimiss mo rin yun pero hindi mo na kayang baguhin pa. Or hirap ka ng baguhin o ibalik sa dati. Kaya minsan nasasabi ng tao “Ang laki ng pinagbago mo.” Kasi napansin nila yung mga ginagawa mo dati sa ginagawa mo ngayon. Pero hindi ko talaga alam kung yung pagbabago ko.. masama o mabuti? sa tingin mo? Haha
May tumawag kase sa akin, an old friend of mine. Kasi nga diba may sakit ako. Concern daw siya. (Sweet) Sobrang daldal netong taong ito at hanggang ngayon wala siyang kupas. Parang lahat open neto, sariling opinions, etc, etc. Habang nagkukwento siya napatulala talaga ako sa kanya. Yung tipong nakatingin ka lang sa pader ng kwarto mo at hindi ka nakikinig sa kausap mo kasi hindi mo ma process sa isip mo kasi iba yung iniisip neto. Haha gets mo? ah basta.
Wala lang. Habang nakatulala ako, may narealize lang ako, ganyan din pala ako kadaldal dati. Kaya nga pala minsan napapagalitan ako ng teacher ko. (Especially during HIGHSCHOOL) Ganyan din pala ako kaingay dati, ganyan din pala ako ka hyper dati pero parang ngayon, lahat yun nagbago. Ewan ko kung bakit. Ngayon, hindi ko na inoopen lahat sa mga kaibigan ko, pagnagkita kita kami nauubusan na ako ng kwento. Minsan ang tamlay ko na din. Hindi na ako yung ganun ka hyper dati. Yung akala mo naka kain ng 1 kilong asukal sa sobrang kaharutan. Parang namiss ko lang yung dati, yung kung ano ako dati. Hindi ko alam kung bakit ako nagbago. I found myself? No! Mas gusto ko pa nga yung dati e, pero may naghohold back para balikan lahat yun. At hindi ko din alam kung ano yun. Kahit ako mismo, naguguluhan e. Parang ang saklap sa pakiramdam but at the same time, gusto mo na ayaw mo. EWAN. Sobrang magulo.
Pero ako pa din naman yung Via na suplada, makulit, masiyahin at loka-loka e. Yun nga lang di na ako maxado open sa lahat. Pili nalang ang taong sinasabihan ko ng mga problema ko or kahit yung mga kwento lang? Basta.
Geh goodnight! Tulog na ako. Sakit pa din ng ulo ko e. May sakit pa din :( Huhu Hiraaaap sobra :( Pero keri lang :)
✈Nakakainis lang kase wrong timing yung sakit ko. SOBRANG WRONG TIMING! Ang dami kong nakaplanong lakad. Tulad ngayon may lakad ako. Kaso eto ako ang bigat ng pakiramdam, sinisipon.. may lagnat.. Hahay. Ang boring dito sa bahay. Alam mo yung feeling na buong araw masakit ulo mo, tas natulog kana para lang matanggal yung sakit ng ulo mo pero pagkagising mo andun pa rin? Yung feeling na ang sakit ng ulo mo, SOBRA. Hindi mo alam kung saan mo ilalagay, kung ihihiga mo o ipapatong lang. Ang sarap iumpog sa pader, huhu. Promise! Bakit ba ang sakit sakit? Grabe lang. Ubos na isang box ng tissue ko dahil sa sipon ko. Sobrang sakit na din ng ilong ko. Ano ba yan! Lahat nalang masakit! Haha! </3
✈- Anne Frank, The Diary of a Young Girl (via stevenbong)
(Source: thetides, via chiimargarita)
✈May mga bagay nga talaga na hindi mo maiintindihan, hanggat hindi mo iintindihin no? At lalong may mga bagay na hindi mo malalaman, hanggat hindi mo inaalam?
Kaya wag kang agad agad manghuhusga hangga’t hindi mo naiintindihan lahat ng tungkol sa kanya. As-in lahat ng tungkol sa kanya. At wag kang mag sasabi ng kung ano ano lalo na kung hindi mo pa alam lahat lahat. As-in lahat lahat ng bagay. Kilalanin mo muna kasi. Para walang gulo!
Sa totoo lang.. Nakaka-stress tong mga taong to! Kala mo perfect! Kala mo kilalang-kilala ka! GET A LIFE! E kung pektusan ko yang mukha mo? Joke lang :)
✈